BARADONG KANAL, NAGPALALA SA PAGBAHA SA ILANG BARANGAY SA MANGALDAN; TAMBAK NA BASURA, INALIS
Tambak na basura at iba pang debris ang natagpuang nakabara sa ilang kanal sa Mangaldan, Pangasinan kasunod ng pagbaha sa ilang bahagi ng bayan.
Sa Barangay Banaoang, partikular sa Visperas Road, nagsagawa ng declogging operation ang Provincial Engineering Office o PEO matapos maapektuhan ang daloy ng tubig dahil sa mga baradong kanal.
Sa clearing operation, inalis ang mga nakaharang sa drainage upang mabuksan muli ang daluyan ng tubig at mapabilis ang paghupa ng naipong tubig sa lugar.
Pinalawak din ang operasyon sa mga barangay ng Guiguilonen, Navaluan, Buenlag, Osiem, Landas, David, Amansabina at Poblacion, kung saan nililinis din ang mga kanal at iba pang daluyan ng tubig.
Patuloy ang clearing at declogging operations habang binabantayan ang mga lugar na maaaring muling bahain sakaling magkaroon ng panibagong malakas na pag-ulan.
Ipinapakita rin ng sitwasyon ang epekto ng basurang napupunta sa drainage system, na maaaring makabawas sa kapasidad ng mga kanal na mabilis na magpalabas ng tubig tuwing malakas ang ulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










