BARANGAY BONUANBINLOC, DAGUPAN CITY, NAKIISA SA PAGPAPAIGTIBG NG KAMPANYA LABAN SA BULLYING,SUICIDE, AT IBAT IBANG URI NG PANG-AABUSO

Nakiisa ang pamunuan ng Barangay Bonuan Binloc sa Dagupan City sa pangunguna ni Punong Barangay Wilmer Castanares sa pagsusulong ng kampanya ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan na “Hindi Ka Nag-iisa” program sa pamamagitan ng pagsasagawa ng malawakang information and dissemination campaign sa kanilang nasasakupan.

Sa ilalim ng programa, pinapalawak ang kaalaman ng publiko tungkol sa mga serbisyong maaaring lapitan ng mga indibidwal na nangangailangan ng emosyonal na suporta, payo, at agarang tulong.

Inilaan ng lungsod ang mga hotline na maaaring tawagan, i-text, o padalhan ng mensahe para sa mga usaping may kaugnayan sa anti-bullying, pag-iwas sa suicide, karahasan laban sa kababaihan at mga bata, at iba pang suliraning nangangailangan ng suporta mula sa mga kinauukulang tanggapan.

Layunin naman ng aktibidad ng barangay na maipabatid sa mga residente, lalo na sa mga kabataan at kanilang mga pamilya, ang kahalagahan ng pagpigil sa bullying at iba pang uri ng pang-aabuso na maaaring makaapekto sa kalusugang emosyonal at mental ng isang tao.

Binigyang-diin din ng barangay ang kahalagahan ng maagap na paghingi ng tulong sa mga kinauukulan sa oras namakaranas ng pangungutya, pananakot, karahasang pinansiyal, sikolohikal, o emosyonal, at iba pang suliraning nangangailangan ng gabay at suporta. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments