Barangay Captain, sugatan; Construction worker, patay sa pamamaril sa Sorsogon

51

Patay ang isang construction worker habang sugatan ang isang barangay captain nang pagbabarilin sa Sitio Mabinit, Brgy. Tupas, Donsol, Sorsogon kahapon ng umaga.

Kinilala ang sugatang kapitan na si Wilfredo Ombao, 45-anyos, residente ng Brgy. San Ramon, Donsol, Sorsogon at ang nasawing construction worker ay si Vicente Macandog, 46-anyos.

Sa ulat ng Sorsogon PNP, dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang humarang sa dalawang biktima na sakay rin ng motorsiklo at sila ay pinagbabaril at nagmamadaling tumakas sa direksyon patungo sa Brgy. San Ramon, Donsol, Sorsogon.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan si Macandog dahilan nang kanyang pagkamatay habang tama ng bala sa kanyang kanang tyan ang tinamo ni Ombao na ngayon ay nagpapagaling sa Donsol District Hospital sa Sorsogon.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon at pagtugis ng pulisya sa mga responsable sa krimen.

Facebook Comments