
Patung patong na kaso ang isinampa sa Office of the Ombudsman laban sa kasalukuyang Barangay Chairman ng Longos Malabon na si Angelika Dela Cruz ng kasong Plunder o “Pandaramog” ng halagang hindi bababa sa ng 70 milyon pesos mula sa kaban ng Barangay Longos.
Bukod dito ay Kinasuhan din si Dela Cruz ni Armand Ramos ng 62 Counts Malversation of Public Funds o paglabag sa Article 217 of the Revised Penal Code, 18 Counts ng Failure to Render Accounts o paglabag sa Article 218 ng Revised Penal Code, Illegal Use of Public Funds o paglabag sa Article 220 ng Revised Penal Code at 64 Counts ng Anti -Graft and Corrup Practices Act o paglabag sa R.A.3019 dahil sa mga hindi maipaliwanang na mga paggastos, nawawalang kagamitan, at pondo ng Barangay.
Kinasahan din ni Ramos si Dela Cruz ng kasong Administratibo dahil sa kanyang pagpapabaya sa kanyang tungkulin bilang Kapitan ng Barangay Longos, madalas na pag-absent ng walang official leave, at hindi otorisadong pagpasa ng kanyang mga opisyal na tungkulin sa kanyang kapatid na si Kagawad Erick Dela Cruz.
Sinampahan din ang kanyang Barangay Treasurer na si Earnest Dela Cruz ng Failure to Render Accounts o paglabag sa Article 218 ng Revised Penal Code, Illegal Use of Public at ang kanyang kapatid na si Kagawad Erick Dela Cruz ng Grave Misconduct.