MGA RESIDENTE NG DASOL AT SAN QUINTIN, NAKINABANG SA IBA’T IBANG SERBISYO SA DILG CARAVAN

Nakatanggap ng iba’t ibang serbisyo ang mga residente ng Dasol at San Quintin, Pangasinan sa pamamagitan ng Retooled Community Support Program o RCSP Serbisyo Caravan ng Department of the Interior and Local Government o DILG Pangasinan.

Ayon sa DILG Pangasinan, idinaos ang aktibidad noong Oktubre 15 sa Barangay Tambac sa Dasol at noong Oktubre 21 sa Municipal Event Center sa San Quintin.

Kabilang sa mga serbisyong inilaan ang tulong pang-agrikultura, serbisyong medikal at dental, social welfare assistance, libreng legal consultation, at tulong sa paghahanap ng trabaho.

Nagkaloob din ng mga serbisyo sa civil registration, personal care, at wellness.

Nagkaisa sa paghahatid ng mga serbisyo ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, mga lokal na pamahalaan, civil society organizations o CSOs, at iba pang mga katuwang na grupo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments