Barker, patay matapos pagbabarilin sa Makati

Makati City – Pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek na pumatay sa isang barker sa Barangay Olympia, Makati City.

Kitang-kita sa CCTV ang nasabing insidente kung saan nilapitan at pinaputukan ng gunman ang biktimang si Alfredo Alili, 37 anyos.

Sakay ng motorsiklo ang gunman, kasama ang isa pang lalaki nang ito ay bumaba at saka lumapit sa biktima.


Ayon sa mga kaanak, dating gumagamit ng iligal na droga si Alili na naging dahilan kaya nagkaproblema ito sa pag-iisip.

Matapos barilin, naglakad lang ang suspek pabalik ng motorsiklo at saka umalis sa lugar patungo sa direksyon ng Kalayaan Avenue.

Facebook Comments