BASIC LIFE SUPPORT SIMULATION DRILL, ISINAGAWA SA DIPALO ECO PARK SA SAN QUINTIN

Isinagawa ng lokal na pamahalaan ng San Quintin ang Basic Life Support (BLS) Simulation Drill sa Dipalo Eco Park para sa pagtugon sa mga emerhensiya ng responders sa parke.

Katuwang sa aktibidad ang Philippine Red Cross, mga kawani ng eco park, Rural Health Unit (RHU) drivers at responders at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Ayon sa ulat, sumailalim ang mga responders sa mga praktikal na pagsasanay at simulasyon ng iba’t ibang sitwasyong pang-emergency.

Matatandaang nauna nang nagpatupad ang LGU ng pinaigting na seguridad tulad ng pag-install ng mga CCTV camera at paging system kasunod ng naitalang insidente sa Dipalo Eco Park. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments