Muling mapapakinabangan ng mga kabataan sa Sitio Cavite, Barangay Bonuan Binloc ang kanilang basketball court matapos isagawa ang pagkukumpuni at repainting ng nasirang basketball post.
Agad na tinugunan ang kahilingan ng mga kabataan na magkaroon ng maayos na palaruan na maaari nilang gamitin araw-araw sa paglalaro ng basketball.
Matatandaang nasira ang basketball post dahil sa mga nagdaang bagyo. Dahil matagal din itong hindi nagamit, kinailangan itong kumpunihin matapos kalawangin at masira ang ilang bahagi nito.
Kapansin-pansin naman ang kasiyahan ng mga kabataan matapos muling maisaayos ang basketball post at maaari na nilang magamit muli ang kanilang palaruan.
Bukod sa pagiging libangan, itinuturing ng mga nagsulong ng proyekto na mahalagang aktibidad ang basketball sa paghubog ng kabataan, lalo na sa disiplina, pakikipagkapwa, pagtutulungan at sportsmanship. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments



