INSPEKSIYON SA PACALAT DAM SA MANGATAREM, ISINAGAWA

Isinagawa ang inspeksiyon sa Pacalat Dam sa Mangatarem, Pangasinan kung saan pinangunahan ng National Irrigation Administration–Pangasinan Irrigation Management Office o NIA-PIMO, sa pamumuno ni Division Manager Engr. John Molano kasama ang lokal na pamahalaan ng Mangatarem at mga opisyal ng Seven Barangays of Mangatarem Irrigators Association sa ilalim ng pamumuno ni President Virgilio Dancel Jr.

Bahagi ito ng paghahanda sa posibleng turnover ceremony ng Pacalat Dam.

Sa pamamagitan ng inspeksiyon, layon ng mga kinauukulan na matukoy ang mga kailangang hakbang upang mapanatili ang maayos na operasyon at pangangalaga sa dam, na mahalaga sa paghahatid ng serbisyo ng patubig sa mga benepisyaryong magsasaka.

Pagpapalakas ito ng serbisyo ng patubig para sa mga magsasaka ang isa rin sa mga layunin ng isinagawang inspeksiyon.

Binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng pagtutulungan ng NIA, lokal na pamahalaan, at mga samahan ng mga irrigator upang matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka at mapabuti ang serbisyo ng patubig sa lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments