POTABLE WATER SYSTEM SA SAN QUINTIN, TARGET MAIPATUPAD SA LAHAT NG BARANGAY

Pormal na isinagawa ang groundbreaking at ribbon-cutting ceremony para sa potable water system project sa Sitio Yamat, Barangay Lumayao sa bayan ng San Quintin, Pangasinan noong Oktubre 19, 2026.

Sa oras na matapos, inaasahang mabibigyan nito ng access ang mga kabahayan ng malinis at ligtas na inuming tubig.

Pakikinabangan ang proyekto ng mga residente ng Barangay Lumayao.

Ayon sa alkalde ng bayan, target ng lokal na pamahalaan na magkaroon ng suplay ng tubig ang lahat ng barangay sa San Quintin sa loob ng tatlong taon.

Dumalo sa aktibidad ang mga lokal na opisyal ng San Quintin, gayundin ang mga kinatawan ng barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments