Bata na Pinaniniwalang Ginahasa, Natagpuang Patay sa isang Ilog sa Santiago City

69
Cauayan City, Isabela- Natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng isang bata sa Mabiret River, Purok 4, Brgy. Baluarte, Santiago City.

Ayon sa Santiago City Police Station 3, isang nagngangalang “Janelle” ang biktima matapos matagpuan na wala itong saplot pang-ibaba at pinaniniwalaang ginahasa.

Tinatayang may taas na 4-feet ang bata, nakasuot ng itim na t-shirt at 10-taong gulang.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakita ng isang nagngangalang Feliciano Gordo ang katawan ng bata habang naglalaba ito sa ilog na kaagad namang ipinagbigay alam sa kinauukulan.

Iniimbestigahan pa rin ang nangyaring insidente para sa ikalulutas ng kaso.

Handa umano ang pamilya ng biktima na isailalim sa autopsy ang bangkay base sa naging salaysay sa mga awtoridad.



Sa kasalukuyan, nasa isang punerarya ang katawan ng bata.

Facebook Comments