Batas na gawing lone district ang Butuan, nilagdaan na

32

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naglalayong gawing “single congressional district” ang Butuan City sa probinsya Agusan del Norte.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) 11714, ang Agusan del Norte ay ni-re-apportioned sa lone legislative district ng Butuan City at legislative district ng lalawigan ng Agusan del Norte.

Magiging bahagi sa legislative district ng lalawigan ng Agusan del Norte ang lungsod ng Cabadbaran at mga munisipalidad ng Las Nieves, Buenavista, Carmen, Jabonga, Kitcharao, Magallanes, Nasipit, Remedios T. Romualdez, Santiago, at Tubay.


Ang re-apportionment ng Agusan del Norte province ay magiging epektibo sa 2025 national elections.

Samantala, magiging epektibo naman ang batas, 15 araw matapos itong isapubliko sa Official Gazette at mga pahayagan.

Facebook Comments