Pinirmahan ng pamahalaang lungsod ang ilang mahahalagang proyekto para sa sektor ng edukasyon at imprastraktura na inaasahang magbibigay ng malaking benepisyo sa mga mag-aaral at mamamayan ng Dagupan City.
Sa tulong at suporta ni Department of Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara, dalawang karagdagang gusali ng paaralan ang ipinagkaloob sa lungsod upang mapabuti ang learning environment ng mga estudyante.
Kabilang sa mga proyektong nilagdaan ang pagtatayo ng tatlong palapag na gusali na may siyam na silid-aralan at kasamang school furniture sa Carael National High School. Isasagawa rin ang kaparehong proyekto sa Malued Elementary School at Special Elementary School.
Bukod sa mga proyektong pang-edukasyon, nilagdaan din ang Improvement of Open Space at Sitio Alimango (Phase II) sa Tondaligan, Barangay Bonuan Gueset.
Layunin ng proyekto na higit pang pagandahin at paunlarin ang nasabing lugar bilang bahagi ng pagpapalawak ng mga pampublikong pasilidad para sa komunidad.
Inaasahang magsisimula ang implementasyon ng mga proyekto matapos makumpleto ang mga kinakailangang proseso at koordinasyon sa mga kinauukulang ahensya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









