BAYBAYIN NG BOLINAO, RED TIDE FREE NA

24
Red Tide Free na ang baybayin ng Bolinao sa Pangasinan.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resource o BFAR Region 1, binawi ang shellfish ban sa nabanggit na bayan.
Ito ay matapos mag negatibo ang kinuhang mga sample sa paralytic shellfish poison ang baybayin.

Ibig sabihin, ligtas nang kumain ng shellfish, manghuli at magbenta rito.
Patuloy naman ang isasagawang monitoring ng bfar sa naturang baybayin upang maprotektahan ang shellfish industry.
Matatandaan na halos dalawang buwan na naapektuhan ng red tide ang kabuhayan ng mga mangingisda nang magsimula ang red tide noong April 7 ngayong taon. | ifmnews
Facebook Comments