Beteranong aktres na si Cherie Gil, pumanaw na sa edad na 59

136

Pumanaw na ang beteranong aktres na si Cherie Gil sa edad na 59.

Ito ang kinumpirma ng kaniyang pamangkin na si Sid Lucero.

Sa ngayon, wala pang detalyeng inilalabas ang kaniyang pamilya ngunit batay sa mga pinakahuling Facebook posts ng aktres ay sumailalim ito sa treatment sa Memorial Sloan Kettering Cancer Center sa New York matapos itong umalis sa Pilipinas noong Pebrero 2022.


Si Cherie ay anak nina Eddie Mesa at Rosemarie Gil habang kapatid niya ang kapwa aktor na sina Mark Gil at Michael de Mesa.

Isa sa mga pinakakilala nitong role ay si Lavinia Arguelles sa “Bituing Walang Ningning” at ang kaniyang linya na “You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!”

Siya rin ay tinaguriang “La Primera Contravida” kung saan laging inaabangan ang mga kontribida roles nito.



Facebook Comments