Pagpapalawig sa dialysis sessions, ihihirit ng isang senador

22

Tiniyak ni Sen. Risa Hontiveros na patuloy nilang ihihirit na mas palawigin pa ang dialysis sessions ng PhilHealth.

Kaugnay ito ng pagpapalawig pa ng PhilHealth sa kanilang dialysis coverage sa 144 sessions hanggang sa katapusan ng taon mula sa dating 90 sessions lang kada taon.

Ayon kay Hontiveros, patuloy niyang ipananawagan na mapalawig pa sa 156 sessions kada taon ang dialysis ng mga pasyente.


Hihilingin din niyang gawing permanente na ang bilang na ito para sa mga hemodialysis patient at iaapelang huwag nang “bigay-bawi” ang PhilHealth pagdating sa usaping ito.

Ipinagpasalamat naman ng senadora ang hakbang ng state health insurer na palawigin ang dialysis session ngayong taon na aniya’y malaking tulong para sa mga mahihirap na pasyente.

Facebook Comments