BFP DAGUPAN, NAGBABALA SA POSIBLENG GRASS FIRE SA GITNA NG MAINIT NA PANAHON DAHIL SA EL NIÑO

Binabantayan ng Bureau of Fire Protection o BFP Dagupan ang posibilidad ng pagkakaroon ng grass fire o sunog sa mga damuhan sa gitna ng mainit na panahon na iniuugnay sa El Niño.

Ayon kay SFO II Henry S. Datuin ng BFP Dagupan, kabilang sa mga karaniwang insidente tuwing mainit ang panahon ang sunog sa mga damuhan.

Gayunman, batay sa datos ng BFP, wala pang naitalang grass fire sa Dagupan City ngayong Oktubre.

Kaugnay nito, pinaaalalahanan ng BFP ang publiko na iwasan ang mga gawaing maaaring maging sanhi ng sunog, lalo na sa panahong tuyo at mainit ang kapaligiran.

Samantala, kabilang din sa mga kampanyang isinusulong ng BFP ang Oplan Paalala Iwas Paputok bilang bahagi ng paghahanda para sa paparating na holiday season. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments