BI, kinumpirma na nagtatangkang lumabas ng bansa ang driver ng SUV na nanagasa sa security guard sa Mandaluyong City

862

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na may balak tumakas palabas ng bansa ang driver ng SUV na nanagasa sa security guard sa Mandaluyong City.

Ito aniya ang dahilan kung bakit agad nilang inilagay ang pangalan ni Jose Antonio Valmonte Sanvicente sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO).

Si Sanvicente ay nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP) matapos itong sumuko kanina.


Siya ay nahaharap sa kasong frustrated murder at abandonment of one’s own victim.

Facebook Comments