BI, may impormasyon na tungkol sa kinaroroonan ni Harry Roque

May ideya na ang Bureau of Immigration (BI) tungkol sa kinaroroonan ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na nagtago matapos patawan ang contempt at warrant of arrest ng House Quad Committee.

Sa Malacañang press briefing, inihayag ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na ang mga impormasyon ay mula sa kanilang counterparts.

Gayunpaman, tumanggi si Sandoval na magbigay ng detalye kung nasaan ngayon si Roque.

Ibibigay aniya nila ang mga nakukuha nilang impormasyon sa mga awtoridad sa tamang panahon.

Hindi rin nagkomento si Sandoval kung nakaalis na nga ba ng bansa si Roque.

Sinabi naman ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Spokesman Winston Casio na nasa preliminary investigation at submitted for resolution na ang kaso laban kay Roque.

Facebook Comments