
Kasunod ng pahayag ni United States Ambassador to the Philippines Marykay Carlson, mariin ding kinondena ng US State Department ang mapanganib na pagmaniobra ng isang Chinese Navy Helicopter laban sa eroplano ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Scarborough Shoal.
Inilarawan ng state department ang aksyon ng China bilang iresponsable at delikado kung saan nais nitong guluhin ang maritime air operation ng Pilipinas.
Inulit lamang umano ng China ang ginawa nito sa isang Australian aircraft noong February 11, habang nagsasagawa ng routine maritime patrol sa South China Sea.
Ayon kay US State Department Spokesperson Tammy Bruce, ang mga aksyong ito ng China ay banta sa navigation at overflight sa South China Sea.
Patuloy naman nilang susuportahan ang kanilang mga kaalyado sa pagtitiyak ng malaya at bukas na Indo-pacific.
Mariin din ang panawagan nila sa China na itigil ang mga gawain at ayusin ang nagpapatuloy na tensyon nang naaayon sa international law.