Bida ng hit Korean drama na Crash Landing on You na sina Hyun Bin at Son Ye-jin, ikinasal na

46

Ikinasal na ang bida ng hit Korean drama series na Crash Landing on You na sina Hyun Bin at Son Ye-jin.

Ito ay matapos isinapubliko ng kanilang agency ang nakakakilig nilang wedding photos.

Isinagawa ang pag-iisang dibdib ng BinJin couple nang pribado sa Aston House of the Grand Walkerhill Seoul Hotel bilang pagkonsidera sa sitwasyon ng COVID-19.


Labis naman ang pasasalamat ng kanilang agency sa naging mainit na pagtanggap ng mga fans sa panibagong yugto ng Crash Landing on You lead stars bilang mag-asawa.

Matatandaang kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon noong 2021 at noong February 10 ay inanunsyo naman nila ang kanilang engagement.

Facebook Comments