Big-time rollback sa produktong petrolyo, asahan na sa Martes

Kasado na ang big-time rollback sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa final estimates ng mga kompanya ng langis, maglalaro sa ₱2.90 hanggang ₱3.20 ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.

Habang nasa ₱2.30 hanggang ₱2.60 naman ang posibleng ibawas sa kada litro ng diesel at ₱2.80 hanggang ₱3.00 ang naka-ambang rollback sa kerosene.


Iaanunsyo ang official price adjustment bukas, October 9 at ipatutupad din sa Martes, October 10.

Facebook Comments