Bigtime Taiwanese druglord, pina-deport ng BI

Pina-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national na sinasabing bigtime drug lord at matagal nang wanted sa Taiwan.

Ang Taiwanese na si Chen Chein Ning, 53, ay isinakay kanina sa China Airlines patungong Taipei.

Si Chen ay unang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) and Anti-Organized Crime Unit at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).


Sinasabing ringleader din si Chen ng isang notorious syndicate sa Taiwan na gumagawa ng illegal narcotics.

Sangkot din ito sa telecom fraud, kidnappings, at iba pang illegal activities.

Facebook Comments