
Handang tulungan ng pamahalaan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang kaso sa International Criminal Court (ICC) kung kaniyang gugustuhin.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, sa ilalim ng RA 8951 nakasaad na sinumang Pilipino ang inuusig, kahit pa ang dating pangulo ay hindi dapat pabayaan ng gobyerno.
Pero may sarili aniyang abogado si dating Pangulong Duterte at sa ngayon ay wala rin silang impormasyon kung may lumapit sa kampo ng dating Pangulo para sa assistance ng gobyerno.
Gayunpaman, tiniyak ng Palasyo na hindi nila pababayaan si dating Pangulong Duterte lalo na kung ito ay tungkol sa kaniyang karapatan.
Facebook Comments