Friday, September 4, 2026

Bilang ng mga naiulat na nasawi dulot ng mga bagyo at hanging habagat, umabot na sa 41 —NDRRMC

Nadagdagan pa ang ang bilang ng mga indibidwal na naiulat na nasawi dulot ng mga bagyo at ng habagat ayon ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa tala ng NDRRMC, mula sa 39 kahapon na naiulat, pumalo na ito sa 41 indibidwal.

Pinakamarami ang naitalang nasawi sa Cordillera Administrative Region na may 15, sinundan ng CALABARZON na may 10 at lima sa Region 3.

Apat naman ang naiulat na nasawi sa Region 1, tig-tatlo naman sa MIMAROPA at NCR at isa sa NIR o sa Negros Island Region.

Nananatili naman sa 18 ang naiulat na sugatan at tatlo ang nawawala.

Samantala, 609 pang mga lugar sa bansa ang naiulat na baha pa rin sa ngayon.

Pinamakalaki ang bilang ng binahang lugar sa Central Luzon na umabot sa 541 na mga lugar, sinundan ng CALABARZON, Region 1, at NCR.

Facebook Comments