
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 12325 o ang batas na nag-aamyenda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Sa bisa ng batas, palalawakin ang libreng tertiary education at tulong pinansyal para sa mga estudyanteng kapos sa pera.
Kabilang sa prayoridad ng batas ang mga estudyanteng mula sa mahihirap at disadvantaged na pamilya, kabilang ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng 4Ps.
Pinalawak din ang Tertiary Education Subsidy o TES para masaklaw ang internship, professional licensure at allowance para sa mga estudyanteng may kapansanan.
Maaari ring madagdagan ng isang taon ang panahon ng pagkumpleto sa pag-aaral kung may makatuwirang dahilan.
Inaatasan ang UniFAST Board na repasuhin at i-adjust ang halaga ng TES kada dalawang taon para matugunan ang epekto ng inflation at pagtaas ng gastos sa edukasyon.
Ayon sa pangulo, layon nitong mas maraming estudyante ang makapasok, manatili at makapagtapos sa kolehiyo at technical-vocational institutions nang hindi mabigat ang gastusing pinansyal.










