Friday, September 4, 2026

Pinsala ng habagat sa sektor ng Agrikultura sa 8 rehiyon sa bansa, umabot ng P3.62-billion — DA

Naitala ng Department of Agriculture o DA ang P3.62-billion na pinsala sa sektor ng agrikultura sa 8 rehiyon sa bansa, dulot ng habagat na mas pinalakas pa ng mga nagdaang bagyo.

Sa pinakahuling talaan na inilabas ng DA – Disaster Risk Reduction Managmenet (DRRM) Operations Center alas-dose ng tanghali noong Huwebes, Sept. 3, apektado nito ang mahigit 86-K na magsasaka at mahigit 74 libong hectares ng kanilang sakahan.

Mahigit 87 libong metric tons din ng palay, mais, high-value crops, at iba pa ang napinsala sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Western Visayas.

Samantala, siniguro naman ng DA na makatatanggap ang mga apektadong magsasaka ng libreng binhi ng palay, mais, gulay, at planting materials; pautang na hanggang P25-K at walang interes mula sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council, at iba pa.

Facebook Comments