Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, pumalo na sa 6,083

44

Umakyat na sa 6,083 ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Philippine National Police (PNP).

Ito’y matapos madagdagan ng 15 na mga panibagong kaso ng sakit.

Base sa inilabas na datos ng PNP, 4,970 sa nasabing bilang ang naka-rekober matapos makapagtala ng 32 na panibagong gumaling sa virus habang nananatili sa 17 ang bilang ng mga nasawi.

Kasalukuyang mayroong 1,096 na aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng kapulisan.

Facebook Comments