RELIEF OPERATIONS, TULOY SA MGA BARANGAY SA DAGUPAN NA APEKTADO NG MATAGAL NA PAGBAHA

Patuloy ang pamamahagi ng pagkain at relief goods sa ilang barangay sa Dagupan City nitong weekend para sa mga residenteng matagal nang nakararanas ng pagbaha bunsod ng sunod-sunod na pag-ulan at epekto ng habagat.

‎Namahagi ang City Government of Dagupan Officials, sa pangunguna ni Mayor Belen Fernandez at Department of Social Welfare and Development ng Family Food Packs sa mga pamilyang nasa Barangay Caranglaan, Mamalingling at Pogo Chico.

‎Isinagawa ang distribusyon sa gitna ng patuloy na pangangailangan ng ilang residente, partikular sa mga komunidad na matagal na naapektuhan ng baha nitong mga nakaraang linggo.

‎Katuwang sa pamamahagi ang lokal na pamahalaan, mga barangay official at volunteer, gayundin ang mga tauhan ng CDRRMO, PNP at Bureau of Fire Protection.

‎Samantala, hiwalay na isinagawa sa Barangay Lucao ang feeding activity kung saan nasa 300 bata ang nabigyan ng chicken arroz caldo.

‎Ang manok na ginamit sa feeding activity ay mula sa tulong nina Senador Kiko Pangilinan at isang pribadong kompanya, habang ang sayote ay mula sa mga magsasakang kalahok sa Kadiwa ng Pangulo.

‎Nagpapatuloy ang relief efforts habang may mga pamilyang nangangailangan pa rin ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan kasunod ng matagal na pagbaha sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments