Ayon kay Jocelyn Lim, assistant branch manager ng SSS Dagupan, maaaring makahiram ng hanggang 20 libong piso ang mga kwalipikadong miyembro sa ilalim ng Calamity Loan Program.
Kabilang sa maaaring makinabang dito ang mga miyembro na naninirahan sa mga lugar na isinailalim sa state o local declaration of calamity, gaya ng Dagupan City.
Bukod sa Calamity Loan, mayroon ding Emergency Loan Program ang SSS na maaaring gamitin ng mga kwalipikadong miyembro sa buong Pilipinas.
Gayunman, ipinaliwanag ni Lim na bahagyang mas mataas ang kwalipikasyon para sa Calamity Loan kumpara sa Emergency Loan.
Isa sa mga maaaring makinabang dito si Jayson, residente ng Calasiao, Pangasinan, na kabilang sa mga naapektuhan ng pagbaha dulot ng Habagat.
Ayon kay Jayson, malaking tulong ang naturang loan program, lalo na para sa mga pamilyang nangangailangan ng karagdagang pondo matapos maapektuhan ng kalamidad.
Patuloy namang bukas ang financial assistance ng SSS para sa mga miyembrong pasok sa itinakdang kwalipikasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







