Mahigit ₱85,000 halaga ng hinihinalang ilegal na sigarilyo ang nasamsam sa tatlong pamilihan sa San Quintin, Pangasinan sa isinagawang operasyon noong Agosto 28.
Pinangunahan ng Philippine Tobacco Institute o PTI, katuwang ang Philippine National Police o PNP, ang operasyon laban sa bentahan at distribusyon ng mga tobacco product na umano’y hindi sumusunod sa umiiral na batas at regulasyon.
Iba’t ibang uri ng sigarilyo ang nakumpiska sa tatlong pamilihan na tinatayang nagkakahalaga ng ₱85,065.
Batay sa ginamit na valuation, kinuwenta ang halaga sa ₱3 kada stick, ₱60 kada pakete at ₱600 kada rim.
Bahagi ang operasyon ng kampanya laban sa bentahan at distribusyon ng mga ilegal na produktong tabako.
Patuloy namang hinihikayat ang publiko na ireport sa mga kinauukulang awtoridad ang anumang impormasyon kaugnay ng hinihinalang ilegal na bentahan at distribusyon ng sigarilyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








