Binatang Kasama sa DI List, Timbog sa Buy Bust Operation

36

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kulungan ang isang binata matapos maaresto sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot sa Brethan Subdivision, Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang suspek na si Mark Andrada, 19 taong gulang, helper, tubong Quezon City at residente ng nabanggit na barangay.

Una rito, nagsagawa ng drug buybust operation ang PNP Cauayan City sa pangunguna ni PMaj Jerry Valdez kasama ang mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit (PIU), PDEA Isabela na kung saan positibong nakabili mula sa suspek ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer ng isang (1) piraso ng nakabalot na papel na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na may kasamang fruiting tops.


Napag-alaman na ang suspek ay kasama sa DI List ng PNP at PDEA.

Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) heat sealed transparent plastic sachet ng dried marijuana; isang (1) ziplock ng pinatuyong dahon ng marijuana; isang (1) piraso ng limang daang piso na buybust money; isang (1) unit ng cellphone; isang lighter at tig-isang piso na limang piraso.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na isasampa laban sa suspek.



Facebook Comments