Biniling Pocket Wifi Online ng isang Estudyante sa Isabela, Isa lamang ‘BATO’

102

Cauayan City, Isabela-Dismayado ang isang Engineering Student mula sa Isabela State University-Ilagan Campus makaraang mag-order ng isang pocket wifi sa isang kilalang online site subalit ng dumating ito sa kanya ay isa lamang pala itong ‘bato’.

Ayon kay Reymark Soriano,20-anyos at residente ng bayan ng Benito Soliven, mismong ang delivery rider ang nagsabing buksan muna ang kanyang binili online dahil una palang ay tila duda na raw ang rider sa posibleng laman ng nasabing package dahil mistulang nauna na itong buksan at napalitan ng bato.


Aniya, ito ang unang karanasan ng binata na iba ang dumating sa kanyang binili online dahil ito sana ay kanyang gagamitin para sa online class.

Paalala naman ng estudyante sa publiko na maging aral ito sa kabila ng kanyang masamang karanasan.

Bukod dito, imbes na bayaran ng nasabing mag-aaral ang binili nya online ay minabuting hindi na pabayaran pa ng mismong rider na naghatid sa kanya ang halaga ng nasabing item.

Facebook Comments