BINMALEÑIAN, ITINANGHAL NA MR. TOURISM AMBASSADOR UNIVERSE 2026

‎Isang Binmaleñian ang itinanghal na Mr. Tourism Ambassador Universe 2026 matapos makuha ang titulong Grand Winner sa ginanap na international competition sa Malaysia.

‎Kinilala si Dean Marco Soriano Ducut, na unang nagwagi bilang Mister Northern Philippines 2026, bago kinatawan ang Pilipinas sa naturang pandaigdigang kompetisyon.

‎Bukod sa pangunahing titulo, nagwagi rin siya ng Best in National Costume, kung saan tampok ang kulturang Pilipino sa international stage.

‎Sa kanyang pagkapanalo, matagumpay na naitaas ni Ducut ang bandila ng Pilipinas sa international stage at nagbigay ng karangalan sa kanyang bayan at sa bansa.

‎Muling ipinakita ng kanyang pagkapanalo ang husay at galing ng mga Pilipinong kayang makipagsabayan sa pandaigdigang entablado. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments