
Inanunsyo ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr., na nagbitiw na rin siya bilang pagsuporta sa re-calibration efforts ni Pangulong Bongbong Marcos sa kaniyang gabinete.
Naniniwala si Lumagui na ang realignment ng pangulo sa gabinete ay pagpapakita ng commitment nito sa pagkakaroon ng accountability sa pamahalaan.
Ayon pa kay Lumagui, ang pagbibitiw niya ay upang bigyan ng free hand ang pangulo na ma-evaluate ang kaniyang performance.
Nagpasalamat naman siya sa pangulo sa ibinigay na pagtitiwala sa kaniya.
Facebook Comments