
Dumulog ang Korean Embassy sa Pilipinas sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Sa harap ito ng sunud-sunod na karahasan kung saan ilang Korean nationals ang biktima.
Nababahala ang Embahada ng South Korea sa harap ng lalo pang pagtaas ng bilang ng mga turistang Koryano na pumupunta sa Pilipinas.
Tinukoy ng embahada ang robbery at attempted murder case laban sa ilang Korean nationals
Mahigpit naman ang ugnayan ngayon ng PAOCC sa Philippine National Police (PNP) para maiwasan ang mga karahasan lalo na sa mga lugar sa bansa na dinadagsa ng mga dayuhang turista.
Facebook Comments