
Nilapitan umano ng ilang mga senador si Senator Imee Marcos para kumbinsihin na kumandidato sa pagka-Senate president sa 20th Congress.
Ang pahayag ng mambabatas na alok sa kanyang lumaban sa Senate presidency ay sa gitna na rin ng posibleng pagbabago ng liderato sa susunod na Kongreso.
Ayon kay Sen. Marcos, sinuman ang iluklok ng kanyang mga kasamahang senador na Senate president, nananatili ang pangangailangan na panahon na para magkaroon ng congressional reforms.
Tinukoy ng senadora ang reporma sa budgetary process kung saan pinatitigil nito ang kwestyunableng proseso sa bicam habang ipinawawasto ang mga prayoridad sa paggastos, pagkunsidera sa fiscal deficits at malaking utang ng bansa.
Dagdag pa sa mga dapat maisabatas ang food security, suporta sa mga magsasaka at mangingisda, edukasyon, kalusugan, social services at electoral reforms.