
Nagtungo ngayong umaga sa PAOCC Custodial Facility sa may Pasay City ang 100 complainant ng ilang Online Lending App (OLA).
Ayon sa PAOCC, maaaring makonekta ang nasabing online lending app sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) dahil ang mga nasa likod nito ay pang-i-scam rin ang ginagawa.
Ayon kay alyas Chrizzy, biktima ng online lending at nakararanas ng harassment, gusto na niyang matapos itong ginagawa ng mga nasa likod ng Online Lending App (OLA).
Bukod sa kahihiyan ay naapektuhan na rin ang kanilang mental health dahil sa takot na nararamdaman dahil sa mga pagbabanta.
Samantala, inaasahan na mas marami pang matatanggap na reklamo ang CIDG at Cybercrime group hinggil sa online lending app.
Facebook Comments