BOC, naharang ang isang cargo na naglalaman ng mamahaling uri ng kahoy

Nasa isang kilo ng agarwood o lapnisan ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse sa Pasay City na ilalabas sana ng bansa.

Ang nasabing uri ng kahoy na itinuturing na endangered ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay mahigpit na ipinagbabawal na ibenta lalo na sa ibang bansa.

In-demand o marami ang naghahap ng agarwood dahil ginagamit ito sa paggawa ng pabango, tradisyunal na gamit, at mga luxury product.


Una itong idineklarang mga dried wood chips pero ng sumailalim sa physical examination ay dito na nadiskubre ang mga agarwoods na nagkakahalaga ng P750,000.00.

Hindi pa pinapangalanan kung sino ang magpapadala ng kargamento at saan bansa ibabagsak kung saan itinurn-over na ng BOC Enforcement Group ang agarwoods sa DENR.

Facebook Comments