
Nakatakdang magbigay ng keynote address si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2025 Open Government Partnership (OGP) Asia and the Pacific Regional Meeting sa Grand Hyatt Hotel, Taguig City.
Ang Pilipinas ang host country ng pagtitipon na nagsimula kahapon, February 5, at magtatapos bukas, February 7, 2025.
Layon ng OGP na gawing mas transparent, accountable, at responsive ang gobyerno o tumutugon sa pangangailangan ng rehiyon sa pamamagitan ng pagpapalitan ng best practices.
Nasa higit sa 800 government officials, civil society leaders, at policymakers mula sa higit 40 na bansa ang dumalo rito.
Habang anim na local government units (LGUs) sa bansa ang aktibong lumalahok sa OGP Local Program.
Ito ang South Cotabato, Baguio City, Quezon City, Tagbilaran City, Borongan City, at Municipality of Larena, na nagtataguyod ng open government reforms sa mga lokal na komunidad.