BOC-NAIA, nakaalerto laban sa posibleng pagpasok ng poultry products mula Brazil

99

Nakaalerto ngayon ang Bureau of Customs (BOC) sa pagpasok ng mga poultry product sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay matapos na maglabas ng temporary ban ang Department of Agriculture (DA) sa nasabing produkto kasunod ng mga ulat na kontaminasyon ng COVID-19 sa frozen chicken wings mula sa Brazil.


Ayon kay BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan, mahigpit nilang binabantayan ang lahat ng warehouse para mapigilan ang tangkang pag-iimport ng nasabing produkto.

Simula Enero, aabot na sa 775.6 kilo ng meat products na walang permit ang nakumpiska ng BOC-NAIA mula sa mga bansang may kaso ng African Swine Fever.

Facebook Comments