Tuesday, June 2, 2026

Lalaking sangkot sa umano’y human trafficking, arestado sa NAIA

Pagkalapag pa lang sa airport ng isang lalaki mula sa Cambodia ay inaresto ito ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Philippine national Police (PNP) Aviation Security Group sa bisa ng Warrant of Arrest sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, Pasay City.

Kinilala ang suspek na si alyas “John” 28 years old, mula Laguna at nakalista bilang number 1 Regional most wanted person ng Police Regional Office Cordillera.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang nasabing suspek kasama ng 3 iba pa ay sinamantala ang isang biktima nito na walang trabaho at mula sa Benguet kung saan pinangakuan nila ito ng P70,000 at iba pang benefits kung ito ay magtatrabaho bilang casino dealer sa Cambodia.

Nang makarating ang biktima sa nasabing bansa ay kinumpiska ang passport nito at tinanggalan ng komunikasyon sa Pilipinas kung saan dito na sya pinwersang magtrabaho sa isang scam hub na target ang kapwa rin nito Pilipino.

Nakatakas naman ang biktima at nakahingi tulong sa embahada ng Pilipinas sa nasabing bansa, kung saan ligtas na itong nakauwi ng Pilipinas.

Dahil dito nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA No. 10364 o Qualified Trafficking in Persons.

Facebook Comments