BOC, sinisigurong mananagot ang may-ari ng motor tanker na nahuling sangkot sa paihi

Isinailalim na sa imbestigasyon ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kapitan ng motor tanker na nahuling sangkot sa paihi ng langis sa Subukin Port sa San Juan, Batangas.

Kinilala ang naaresto na si Adolfo Jabines Tindoy na kapitan ng MT Feliza na nahuling nagtatago sa deck ng motor tanker.

Ayon kay Dir. Verne Enciso ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (MICP), nasa 200,000 liters ng unmarked diesel ang laman ng tanker bukod pa 11 lorry trucks kung saan nagkakahalaga ito ng P128 milyon.


Dagdag ni Dir. Enciso, dahil sa mga walang markings ang mga petrolyo, hindi ito dumaan sa tamang proseso at hindi rin nagbayad ng kaukulang tax.

Nakatakda namang kasuhan ang may-ari ng tanker gayundin ang iba pang tauhan na kasabwat sa iligal na gawain.

Nagpasalamat naman si BOC Commissioner Bien Rubio sa tulong ng PNP-CIDG at Philippine Coast Guard (PCG) Task Force Aduana dahil napigilan ang paihi system lalo na’t delikado ito kung ibebenta at malaki rin ang epelto nito sa ekonomiya.

Facebook Comments