Higit 12 milyong balota, naimprenta na ng Comelec para sa 2025 Midterm Election

Nasa 12,721,925 balota na ang naiimprenta na ng Commission on Elections (Comelec) mula nang ito’y muling simulan noong Huwebes, Enero 30, 2025.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, puspusan ang ginagawa nilang pag-imprenta sa tulong ng National Printing Office (NPO) sa Quezon City.

Ang naimprentang balota ay higit 17% pa lamang na target na bilang na 75 milyon kung saan sisikaping makumpleto ito hanggang Abril 14, 2025.


Ang naunang natapos na balota ay agad ipadadala sa bawat probinsya, munisipyo, at siyudad.

Anim na malalaking makina na ang ginamit ng Comelec upang mas mapabilis ang pag-iimprenta.

Subalit, bahagyang nagkakaroon na mabagal na pag-usad dahil kailangan dumaan sa manual at automatic counting verification para matiyak na wala itong pagkakamali.

Facebook Comments