
Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na walang utos mula sa kanila na imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y iregularidad noong 2019 Southeast Asian (SEA) Games.
Ayon kay Justice Secretary Eric Vida, hindi niya ito ipinag-utos at mandato na ng NBI na magsagawa ng imbestigasyon.
Tiniyak din ng kalihim na nakabatay sa ebidensiya ang mga magiging imbestigasyon lalo na kung makarating sa DOJ ang usapin.
Kaugnay naman sa timing ng imbestigasyon sa gitna ng nagpapatuloy na pagdinig ng Senate Impeachment Court laban kay Vice President Sara Duterte, sinabi ni Vida na tuloy-tuloy ang paghahabol sa accountability at wala ring dapat ipangamba ang mga senator-judges.
Ipinunto naman ni Vida na kailangan ding timbangin dito ang mga ebidensiya at kung ano ang estado nito noon kumpara ngayon.










