TATLO, ARESTADO SA PANANAKIT AT PAGNANAKAW SA ISANG PULIS

Inaresto ang tatlong indibidwal matapos pagtulungan at pagnakawan ang isang pulis na sumita sa kanila sa Tumauini, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Basilio Lugo Jr, 45 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Sinippil, Tumauini; Jayson Rico, 34 anyos, walang asawa, laborer, residente ng Brgy. Malamag East, Tumauini at Loyfrey Lugo, 39 anyos, may-asawa, isang laborer at residente ng Santa, Tumauini, Isabela.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, sinabi ni kay PMAJ Charles Cariño, Hepe ng Tumauini Police Station, pinagtulungan si Pat Tandayu ng mga suspek na hawakan ang kanyang mga kamay at saka ito sinakal habang nakikipaglaban sa mga suspek bandang 11:00 noong Agosto 15, 2022.

Di pa nakontento ang mga suspek at tinangay rin ang cellphone at ang Taurus Ts9 na fully loaded na baril ng biktima.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, napikon umano ang mga suspek sa pagsita sa kanila ng biktima dahil sa pagewang gewang na takbo ng kanilang motorsiklo na nauwi sa pananakit sa bagitong pulis.

Nakorner din kinalaunan ng Tumauini Police Station ang tatlong suspek sa kanilang ikinasang hot pursuit operation.

Nahaharap ang tatlong suspek kasong Robbery at Direct Assault sa pananakit at pagnanakaw sa pulis.

Facebook Comments