Buboy Fernandez gustong makita si Manny Pacquiao bilang Pangulo ng bansa

538
File photo via Getty Images

Kung tatanungin si Buboy Fernandez, head trainer at matalik na kaibigan ni Manny Pacquiao, nais niyang tumakbo ang ‘Pambansang Kamao’ bilang Pangulo ng Pilipinas.

Sa panayam ng Pinoy sportswriters sa Los Angeles California, sinabi nitong gusto niyang makita si Pacman mamahala ng buong bansa.


Ayon sa head trainer, iniiwasan niyang uminit ang ulo tuwing nag-eensayo sila ni Pacquiao dahil maari itong makaapekto sa reputasyon nito bilang senador.

“I want to be careful because I still want to see him become the president,” ani Fernandez sa wikang tagalog.

Sumabak na din sa pulitika si Fernandez at nanalong bise alkalde ng Polangui, Albay.

Nauna nang binanggit ni Pacquiao na agad siyang lilipad papuntant Maynila matapos ang laban kay Keith Thurman upang makadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Duterte.

Pahayag ng senador, kailangan nandun sila sa SONA dahil sa botohan ng House Speaker.

Parehong mambabatas ang kanyang kapatid na sina Roel at Bobby. Nagwagi bilang kongresista si Roel sa lalawigan ng Saranggani at representate ng OFW Partylist si Bobby.

Matatandaang sinabi ni Pacquiao na wala siyang balak tumakbo para sa pinakamataas na posisyon.

Paglilinaw ng boksingero, hindi niya iniisip ang pagsabak sa 2022 Presidential Elections at mas nakatuon ang atensyon paano masosolusyunan ang pangunahing problemang kinakaharap ng bansa.

Facebook Comments

From Advertisers