
ginarantiyahan ni House Spokesperson Atty. Princess Abante na hindi maaapektuhan ang proseso para sa deliberasyon ng panukalang pambansang budget sa susunod na taon sakaling matuloy na rin ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
ayon kay Abante, may hiwalay na prosecution panel na tututok sa impeachment trial habang ang ibang miyembro ng Kamara naman ang tutuon sa mga pagdinig ukol sa 2026 General Appropriations Bill.
Samantala, binigyang diin naman ni Atty. abante na hindi namamahiya ang Kamara sa proseso ng pambansang budget.
tugon ito ni Abante sa pahayag ni VP Sara na hindi na sila hihiling ng mas mataas na budget dahil hindi rin ito ibibigay at upang hindi na ipahiya ang mga tauhan ng Office of the Vice President.
Paliwanag ni Abante, tungkulin ng Kamara na suriin ang paggamit ng pondo ng bayan para sa mga nilalaan at sa mga ahensyang humihiling nito katulad ng OVP.