
Nakahanda na ang Philippine government sa posibleng mandatory repatriation para sa mga Pinoy na naapektuhan ng tensyon sa Israel.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, ito rin ay isa sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa gitna ng lumalalang sigalot sa naturang mga rehiyon.
Ani Cacdac, handa na sila sa posibleng mass repatriation kung sakaling itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level sa Israel.
Sa ngayon, aabot sa mahigit 30,000 ang mga Pinoy sa Israel na kasalukuyang apektado ng sigalot doon at 92 ang nagre-request na mapauwi na sa Pilipinas.
Tiniyak naman ng DMW at OWWA ang tulong na naghihintay sa mga Pinoy na apektado ng tensyon sa lugar at patuloy na nakikipag-coordinate sa Israeli Government para matiyak ang seguridad ng mga Pilipino.