BUMALIK | Rayver Cruz, lumipat na ng ibang network

91

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng aktor na si Rayver Cruz ang mainit na pagtanggap sa kaniya ng kapuso network.

Nabatid kasi na matapos ang mahigit isang dekada ay bumalik ito sa dati niyang network kung saan sinabi ni Rayver na bagama’t sinimulan niya ang karera sa showbiz sa GMA ay isang panibagong simula ito sa kanya.

Iginiit ng aktor na bukod sa pagsasayaw, gusto din daw niyang gumaling pa sa pag-arte.

Taong 2004 nang pumirma si Rayver ng kontrata sa Star magic at noong nakaraang buwan lang din natapos ang huling teleseryeng kinabilangan nito.

Nais naman ni Rayver na makatrabaho si Marian Rivera na dati anya ay pinapanood niya lamang sa teleseryeng marimar.

Facebook Comments